Haaay. Pag tinamaan ka nga naman ng kamalasan oh ! Bakit ba wala na kong ginawang tama sa mata ng prof ko ? Tsss. Yung seatmate ko pa, daig pa ang signal number 4 na bagyo sa sobrang hangin! Haay naman oh. Yung mga ano pa…
Naiinis na talaga ako kaya pati yung mga walang malay na bato, pinatulan ko na. Pinagsisisipa ko lahat ng mga batong nakaharang sa nilalakaran ko.
Ayy. Tama !
Nahinto ako sa paglalakad at hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko siya.
Isa na lang talaga ang pag-asa ko para kahit papano may masaya namang mangyari sa kin bago ako umuwi ng bahay. Haay, Elmo. Wait lang ah, papunta na ko.
Inayos ko ang palda ko at ang buhok ko. Siyempre dapat mukha akong tao pag nagkita kami. Medyo binilisan ko ang paglalakad ko para marating ko agad ang ‘tagpuan’ namin.
Kaya lang…
Napabuntong-hininga ako nang bigla kong maalala yung itsura ni Elmo nung huli ko siyang makita.
Ano ba kasing problema mo, Elmo? Bakit ba malungkot ka? Pwede ka namang magsabi sa kin eh.
Napabuntong-hininga ako ulit.
Yun nga lang, hindi tayo friends. Ni hindi mo nga ako kilala eh. Haaay. Ang emo ng buhay…
Naramdaman kong parang may namuong mga luha sa mga mata ko.
Naku, Julie. Tigilan mo nga ako ng mga kaartehan mo. Umaandar na naman yang pagka-bipolar mo. Nahihibang ka na talaga!
Hindi ko napansin. Nandito na pala ako sa harap ng Milky and Sunny. Kung ano-ano kasing iniisip ko eh.
“Mam, smile ka naman jan.” nakangiting sabi sa kin ni Manong Guard habang pinagbubuksan niya ako ng pinto. Pero isang matipid at parang pilit na ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Wala ata talaga ako sa mood ngayon. Hinanap ko agad ang mukhang ipinunta ko dito.
Biglang nanlaki ang mga mata ko.
Shocks! Totoo ba ‘to? Hala, anong gagawin ko?
Ginantihan ko ng pinakamatamis na ngiting alam ko ang lalaking nakangiti sa akin.
Si Elmo naglalakad palapit sa akin…at…at nakangiti siya. Pero bakit ? Ayieeeee. Ang ganda ng ngiti niya. Wag mo kong ngitian ng ganyan, Elmo ! Haayyy. Ano bang gagawin ko ? Hoy Julie! Umayos ka nga! Kalma lang !
Huminga ako ng malalim. Pero hindi ako makagalaw. Masyado akong kinikilig. Natigil ako sa paglalakad at nakatingin lang sa nakangiting si Elmo. Hala ! At kinawayan niya pa ako.Inangat ko ang kaliwang kamay ko at dahan-dahang ikinaway din sa kanya. Limang hakbang na lang ang layo niya sa akin…apat…tatlo…dalawa…isa…
“Hi El-“ nakunot ang noo ko ng lagpasan ako ni Elmo.
Hoy Elmo! Andito ako. Lumagpas ka.
Sinundan ko siya ng tingin. At ang mga susunod kong nakita ay para bang isang bangungot. Hayun si Elmo ko, may kayakap na ibang babae.
“Lauren! Finally. Buti naman at dumating ka.” pagkasabi noo’y hinalikan niya sa pisngi ang babae at niyakap ulit… ng mas mahigpit. “God! I missed you, Babe”
Babe? Babe?
Napahawak ako sa dibdib ko. Parang bigla akong nahirapang huminga.
Ang sakit! Bakit ganito?
“Miss, will you please find a seat?! Nakaharang ka sa daan eh.” masungit na sabi sa kin ng babaeng kasama ni Elmo. Lauren ata ang pangalan.
Ang sungit naman nun!
“Sorry !”Tanging nasambit ko.Agad akong naglakad papuntang CR. Ang sakit-sakit bigla ng ulo ko.Para akong nasusuka.
Hoy Julie! Ano bang nangyayari sayo?
Medyo nahimasmasan ako pagkatapos kong maghilamos. Bumuntong-hininga ako at unti-unting pinagmumunihan ang mga pangyayari.
“Okay ,Julie. Back off. May girlfriend na ang Elmo mo.” Kausap ko ang sarili ko sa salamin.
Napapikit ako. Girlfriend? Ang sakit sa ulong malaman na may girlfriend na si Elmo, at mas masakit kasi hindi ako yun.
Pano nangyari? Kelan pa naging sila? Eh sa tagal ng ‘pagkakakilala’ ko kay Elmo, hindi ko naman nakitang kasama niya yung…yung… yung Lauren na yun.
Nailing ako. Kung pwede ko lang sabunutan at batukan ang sarili ko, ginawa ko na.
Hello, Julie! Anong pagkakakilala ang pinagsasasabi mo jan?! Eh sa Milky & Sunny mo lang naman siya nakikita! Tsaka nawala ka ng 6 months di ba? Malay mo dun sila naging-
Natigil ako sa pagmomonologue ng may biglang pumasok sa banyo. Hindi pa ko handang lumabas kaya pumasok ako sa bakanteng cubicle at doon ko pinagpatuloy ang pagmumuni-muni ko.
Julie, okay lang yan.
“ Wait. Hey, wait.”
Teka, boses ba ng lalaki yun? Parang pamilyar ah.
“Lauren, please. Let’s talk.”
Si Elmo?Anong ginagawa niya dito?
Inilapit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan ang pag-uusap ng mga bagong dating.
“Seriously Moe? Talk? Where? Here?! Nasisiraan ka na ba? Get the hell out of here. CR ‘to ng mga babae. Pwede ba lumabas ka muna.”
“Then, what? Lalabas ako tapos aalis ka na naman ng hindi nagpapaalam? Tapos hindi ka na naman makikipagkita sa kin at hindi na naman tayo makakapag-usap. Lo, babe, I want us to be back together like we used to be before. Please?”
“Moe, there’s no more us. It’s you and me. Not us. We’re over, okay. We’re over, matagal na.”
“I don’t understand. Where-?”
“Anong you don’t understand? Tell me Elmo, alin sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan?”
“Please, babe. Let’s talk.”
“Kung ayaw mong lumabas dito, ako ang aalis. And don’t you dare follow me!.” Pabagsak na pagsara ng pintuan na ang huli kong narinig.
Wala na kaya sila?
Dahan-dahan akong lumabas ng cubicle.
“Aaaaahhhh!!!” sabay suntok sa pader.
“Ayyy kalabaw!” Nagulat ako. May tao pa pala. Si Elmo. And he looks sad. No. Wasted. Umiiyak ba siya?
Elmo.
Malungkot siyang tumitig sa akin at maya-maya pa’y lumabas na din siya. Susundan ko dapat siya kaya lang masakit na talaga ang ulo ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.
Haaay, ano ba ‘to?Lalagnatin ata ako.
*****
Malungkot ka pa din hanggang ngayon. Dahil pa din ba sa kanya? Kung sakaling una mo kaya akong nakilala kesa sa kanya, malulungkot ka kaya? Sa palagay ko hindi, kasi wala akong ibang ginustong gawin kundi ang makita kang masaya. Kung pwede lang. Kung pwede lang, Elmo
Umiling ako para itaboy ang kung ano-anong kadramahang sumasapi sa akin.
Ang drama mo, Julie.
Alam ko, nakakatawa na nakakaawa ako. Pano, kahit nalaman kong taken na pala yung akala kong soulmate ko, eh andito pa din ako, sa nakasanayan kong pwesto, nakatanaw pa din sa kanya. Ang lungkot niya. Siguro nga dahil sa babaeng yun kaya malungkot siya magmula nung bumalik ako.
Haaay, Elmo. Bakit kasi siya pa? Pwede namang ako na lang.
Marahan kong binatukan ang sarili ko.
Hoy, Julie. Kung ano-ano yang pinagsasasabi mo. Itigil mo nga yang kaartehan mo. Anong ‘ako na lang’? Patawa ka talaga.
Pero seryoso, gusto ko talagang damayan si Elmo. Kahit bilang kaibigan lang. Kaso naman oh, bakit ba kasi hindi kami magkakilala?
Edi magpakilala ka? Madali lang naman. Lapitan mo siya, sabihin mo, “Hi Elmo, Im Julie. Let’s be friends. Pag-usapan natin yang problema mo. Period. Problem solved.”
Napailing na naman ako. Haaay. Kung ganun lang sana kadali. Kaso hindi eh.
*****
“Naku, San Jose. Halika nga. Mapirmi ka nga sa isang tabi.” hinila ako ni Maan.
“Hilong-hilo na ko sayo ah. Maupo ka nga jan. Kung maka-emote ka jan kala mo ikaw yung brokenhearted!”
“Bakit? Brokenhearted naman talaga ako ah! Ikaw kaya, malaman mong may ‘iba’ yung soulmate mo.” Binatukan ako ng kaibigan ko.
“Aray! Hurting ako di ba? Bakit nananakit ka?”
“Ano? Gusto mo isa pa?” Pinandilatan ako ni Maan ng mata. Ang cute lang ng bestfriend ko. Kata-cute.
“Teh naman, ni hindi ka nga kilala niyang Elmo ‘mo’ eh.” dagdag pa niya.
“Sige, Maan. Rub it in. Ang bait mo talaga sa akin eh!” For a moment, gusto kong sabunutan yung kaibigan ko. Pero totoo naman yung sinabi niya eh.Haaay.
Nagulat ako ng akapin ako ni Maan. ‘Tong kaibigan ko talaga, alam na alam kung pano ako aluin.
“Kasi naman, Julie. Alam mo naman loves kita di ba? Kung gusto mo talaga si Elmo, edi go! Magpakilala ka. Tulungan pa kita eh. Hindi yung nag-eemo ka jan para sa taong hindi alam na nag-eexist ka.”
“Oi! Grabe ka! May shared experience na kaya kami noh.”
“Experience na malamang eh limot na niya.”Ouch. Reality hurts. Really.Ang prangka talaga ni Maan. I actually needed that.
Natahimik ako ng ilang sandali. Napaisip. At nagpakawala ng buntong-hininga.
“Okay, Maan. Kakalimutan ko na si Elmo.”
—————————————————————————————————————-
Because Im sick and alone, naituloy ko din ‘to sa wakas. hehehe